Bahagi ng aking Buhay Sa buong buhay ko bilang isang baitang
siyam (9), inaamin ko na, hindi sa lahat ng araw at oras na binubuo nito ay puro
saya. Naranasan ko na umiyak nalang dahil sa pagod at 'stress', sa dami ng mga
proyekto na ipapasa. At matulog ng madaling araw na matapos lang. Tapos,
pagpasok mo, yung mga aralin na tinuturo, nakaka-dugo ng utak. Pag-uwian na
naman na, shooting dito, shooting doon, para sa short film na kailangan tapusin
agad sapagkat aayusin pa ito (edit ). Pagkatapos, ay meeting naman dito,
meeting doon. Hay.... nakakaluray ! Pag-uwi naman sa bahay, sasabihin sayo nga
mga magulang mo na "O, umuwi ka pa ?. Babalutin ko na nga sana yung mga
damit mo, tapos papadala ko sa eskwelahan nyo, parang doon ka na kasi
nakatira!." Pinababayaan ko nalang, naiintindihan ko naman sila e, kulang
na nga lang talada doon na ako tumira.
Pero hindi ako nagsisisi na nangyari lahat ng ito. Kasi Una, Hindi ko
naman hinarap lahat ng ito ng mag- isa.Nandiyan ang mga guro para gumabay at
magpasensiya kapag nagkakamali,mga kaklase at mga kaibigan upang dumamay at
magpasaya,pamilya para sumuporta sa lahat ng aking gagawin at ang panginoon para
patnubayan ako sa lahat ng aking gagawin. Pangalawa,sabawat pagkakamali na
nagagawa ko,may nakukuha akong aral na mailalapat ko sa pang araw-araw na
buhay. Pangatlo,wala akong pinagsisihan sapagkat,hindi mabubuo ang "Highschool life" ko kung hindi ko
mararanasan ang lahat ng ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento