Ngayong ika-apat na linggo ay nagsagawa ang bawat pangkat ng Parade of
Characters upang mas makilala pa namin ang mga tauhan, ang kanilang katangian sa Noli me tangere. Lugod na natuwa ang aming guro nang matapoa namin ang
pagtatanghal. karapat dapat naman naming matanggap ang papuring iyon galing sa aming guro sapagkat ginawa namin ang lahat ng aming makakaya, maging maganda lamang ang aming presentasyon.
Pagkatapos ay pahapyaw naming pinag-usapan ang pagkakabuo ng mga tauhan.
Nalaman ko na makatotohanan talaga ang ang mga tauhang nilikha ni Jose Rizal
sapagkat binase nya ito sa mga taong nakapaligid sa kanya. Ang itsura at
katangian nito.
Pinag-usapan rin namin ang sinisimbolo ng bawat tauhan.
MGA TAUHAN AT KANILANG SINISIMBOLO:
★
Crisostomo Ibarra→
Ideyalismo ng mga kabataang nakapag-aral.
★
Maria Clara→
Ideyal na babae ni Rizal.
★
Sisa→ Larawan ng walang
katarungan sa bansa at kung paano ito inaabuso ng mga Espanyol.
★
Donya Pia Alba→
Sumisimbolo sa pilipinas. sa walang tigil na magpapasakop sa ibang bansa.
★
Kapitan Tiyago→
Istruktura ng lipunan na binubuo ng mga kastila sa Pilipinas.
★
Donya Victorina at Donya Consolacion→ Larawan ng mga indiyong may kaisipang
kolonya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento