Masasabi ko bilang isa sa mga nakaranas ng K+12 curiculum, noong una ay
hindi ako sang-ayon dito. Ngunit habang ito'y sa amin ay tinatalakay, ay
nauunawaan ko na ito at nagugustuhan. Ang nilalaman ng
curiculum ay kumpleto at talagang lahat ng tinuturo ay magagamit namin sa
hinaharap. Hindi lang ito puro pagalam ng buhay ni Crisostomo ibarra sa
filipino, pag-sagot sa "value ng X at Y" sa matematika, pag-alam ng
"Force" ng isang bagay sa agham, kundi tinuturuan rin tayo kung pano maghanapbuhay, linangin
ang ating mga talento,maging matagumpay sa buhay, kung paano harapin at
lagpasan ang problema, at maging mabuting ehemplo sa iba.
Ang programang k+12 ay tama lang para sa ating mga kabataan sapagkat
naglalayon ito na tulungan tayo at pantayan ang sistema ng edukasyon, hindi
lamang sa buong Asya, kung hindi sa buong mundo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento