Biyernes, Marso 20, 2015

ANG AKING GURO

                  Ang Aking Guro                        
                Ipinakikilala ko sa inyo                  Ang aking guro sa Filipino
Siya'y si Gng. Marvielyn Mixto
Sana'y maibigan niya ang tula kong ito.

Mapagtiis siya at laging matiyaga
Sa tungkulin niya ay siya'y laging handa
Walang tigil siya sa maghapong gawa,
Dahil, oras para sa kanya ay mahalaga.

Guro ko ang aking tunay na huwaran
Siya'y maayos sa kanyang katawan
Sa pagsasalita siya'y prangka at tuwiran
at sa diwa niya'y may matututunan.

Tinuro niya ang pagkakaiba ng Pabula at parabula,
Kahulugan ng pang-angkop, pangatnig at modal
Inulat niya rin ang buhay ni Rizal,
Pati pag-iibigan ni Ibarra at Maria Clara.

Tinuro rin nya samin na maging tapat
Sa mga tungkuling ginaganap
Nagtatagumpay raw yaong masipag
Di raw giginhawa yaong tamad.

Aking guro, di kita makakalimutan
At iyong mga alaala ay aking iingatan
Upang ang mga tinuro mo'y aking magamit
At mga pangarap ko'y aking makamit.


AKING PANANAW UKOL SA K-12 CURICULUM

          Masasabi ko bilang isa sa mga nakaranas ng K+12 curiculum, noong una ay hindi ako sang-ayon dito. Ngunit habang ito'y sa amin ay tinatalakay, ay nauunawaan ko na ito at nagugustuhan.                                                     Ang nilalaman ng curiculum ay kumpleto at talagang lahat ng tinuturo ay magagamit namin sa hinaharap. Hindi lang ito puro pagalam ng buhay ni Crisostomo ibarra sa filipino, pag-sagot sa "value ng X at Y" sa matematika, pag-alam ng "Force" ng isang bagay sa agham, kundi tinuturuan  rin tayo kung pano maghanapbuhay, linangin ang ating mga talento,maging matagumpay sa buhay, kung paano harapin at lagpasan ang problema, at maging mabuting ehemplo sa iba.

              Ang programang k+12 ay tama lang para sa ating mga kabataan sapagkat naglalayon ito na tulungan tayo at pantayan ang sistema ng edukasyon, hindi lamang sa buong Asya, kung hindi sa buong mundo.

MGA KARANASAN KO BILANG ESTUDYANTE

                Bahagi ng aking Buhay                                                                                        Sa buong buhay ko bilang isang baitang siyam (9), inaamin ko na, hindi sa lahat ng araw at oras na binubuo nito ay puro saya. Naranasan ko na umiyak nalang dahil sa pagod at 'stress', sa dami ng mga proyekto na ipapasa. At matulog ng madaling araw na matapos lang. Tapos, pagpasok mo, yung mga aralin na tinuturo, nakaka-dugo ng utak. Pag-uwian na naman na, shooting dito, shooting doon, para sa short film na kailangan tapusin agad sapagkat aayusin pa ito (edit ). Pagkatapos, ay meeting naman dito, meeting doon. Hay.... nakakaluray ! Pag-uwi naman sa bahay, sasabihin sayo nga mga magulang mo na "O, umuwi ka pa ?. Babalutin ko na nga sana yung mga damit mo, tapos papadala ko sa eskwelahan nyo, parang doon ka na kasi nakatira!." Pinababayaan ko nalang, naiintindihan ko naman sila e, kulang na nga lang talada doon na ako tumira.  Pero hindi ako nagsisisi na nangyari lahat ng ito. Kasi Una, Hindi ko naman hinarap lahat ng ito ng mag- isa.Nandiyan ang mga guro para gumabay at magpasensiya kapag nagkakamali,mga kaklase at mga kaibigan upang dumamay at magpasaya,pamilya para sumuporta sa lahat ng aking gagawin at ang panginoon para patnubayan ako sa lahat ng aking gagawin. Pangalawa,sabawat pagkakamali na nagagawa ko,may nakukuha akong aral na mailalapat ko sa pang araw-araw na buhay. Pangatlo,wala akong pinagsisihan sapagkat,hindi mabubuo ang  "Highschool life" ko kung hindi ko mararanasan ang lahat ng ito.

Huwebes, Marso 12, 2015

IKA-WALONG LINGGO NG IKA-APAT NA MARKAHAN

           Ngayong Linggo, tinalakay namin sa asignaturang Filipno ang mga kabanatang may kaugnayan kina Crisostomo Ibarra, Elias, Maria Clara, at Sisa.
MGA KABANATANG MAY KAUGNAYAN KAY:
CRISOSTOMO IBARRA
Isang Pagtitipon- Nagkaroon ng pagtitipon sa tahanan ni kapitan tiyago bilang pagsalubong kay Ibarra.
Si Crisostomo Ibarra- Ipinakilala si Crisostomo Ibqrra sa mga panauhin.
Ang Hapunan- Pang-iinsulto ni Padre Damaso kay ibarra at sa kanyang bayan.
Erehe at pilibustero- nalaman ni ibarra ang sinapit ng kanyang ama.
Isang tala sa madilim- Binalikan nya ang mga nangyari sa kanyang ama.
Suyuan sa asotea- Pag-uusap nina Maria clara at Ibarra.
Mga bagay-bagay - Nagalit si Padre damas kay kapitan tiyago sa pumayag syang di na bumalik si maria clara sa kumbento.
Ang bayan ng san diego- Tungkol sa mga ninuno.
Ang mga makapangyarihan- Mga makakalaban ni ibarra.
Araw ng mga patay- Ang sinapit ng kanyang ama..
Mga karanasan ng isang Guro- Sinabi ng pguro kung saan itinapon ang bangkay ng kanyang ama.
Usapan sa tribunal- Pag-uusap ng konseho tungkol kay ibarra.

ELIAS
Mga liwanag at dilim- Kinausap ni d
on  pablo si ibarra para humingi ng tulong gaya ng sabi ni elias.
Ang pangingisda- Pagliligtas ni ibarra kay elias sa mga buwaya.
Si Elias at Salome- Pagpili ni Elias sa bayan kaysa sa pag-ibig nya kay salome.
Ang mga pinag-uusig- Nakilala ni Elias si Kapitan Pablo.
Ang tinig ng mga pinag-uusig- Ang pagkakaroon ng ibang paraan g pagkamit ng kalayaa ni ibarra at elias.
Baraha ng mga patay- Paguusap tungkol sa pagbubunyi kay ibarra.
Ang pagkakagulo- Pagtulong ni elias kay ibarra upang makatakas ito.
Lahat ng lihim ay nabubunyag- Nalaman ni elias na ninuno pala ni ibarra ang matagal na nyang hinahanap. Ang nagpakasakit sa kanyang ninuno.
Ang habulan sa lawa- Pag-aalay ng buhay ni elias para kay ibarra.
Notse Bueno- Pagkamatay ni elias.

MARIA CLARA
Si Kapitan tiyago- tungkol sa pag pagsisilang kay maria clara.
Suyuan sa Asotea.
Liwanag at dilim
Sa gubat- Piknik nila maria clara at ibarra kasama ang mga kaibigan.
Dapithapon- Paghahandang naganap sa bahay ni kapitan tiyago.
Sulatan- Isang liham ang ipinaabot ni maria clara kay andeng para kay ibarra.
Mga suliranin- Pagbabawal ni kapitan tiyago kay maria clara na makipag usap kay ibarra.
Ang kapitan Heneral
Ang prusisyon- Pag -awit ni maria clara ng ave maria sa prusisyon.
Ang mag-asawang De Espadanya
Ang pangungumpisal-
Ang talinhaga
Ang pagpapakasal ni Maria clara

SISA
Ang mga sakristan- ang mga paghihirqp ng mga anak ni sisa na sina basilio at crispin sa kumbento.
Si Sisa- tungkol sa buhay ni sisa.
Si Basilio- tungkol sa buhay ni basilio
Mga kaluluwang naghihirap- Pag punta ni sisa sa kumbento upang hanapin ang kanyang mga anak.
Kasaysayan ng isang ina- Paghihirap ni sisa sa paghahanap sa kanyang dalawang anak. simula ng pagkawala sa kanyang isip.
Si Donya Consolacion- Pagbuhos ng galit ni donya consolacion kay sisa dahil sa kanyang asawa na hindi sya pinansin.
Ang noche buena- Pagpatay ni sisa sa kanyang sarili sa pagaakalang patay na si basilio.

IKA-ANIM NA LINGGO SA IKA-APAT NA MARKAHAN

                     Ngayong ika- anim na linggo ay nagsagawa ang dalawang pangkat ng Mock Trial. kung saan lilitisin sina Elias at Ibarra. Sa unang pangkat, ang aming ipagtatanggol ay si ibarra sa katauhan ni Janjuai Agoncillo at kaniyang abogado ay si Bryan Bueno.  Sa pangalawang pangkat naman, ang kanilang panig ay na kay Elias. Ang gaganap na Elias ay si Mark Marasigan. Ang magtatanggol ay si Mae Clarise Ostia.
                Ang tanong na dapat na sagutin ng dalawang panig ay kung tama bang pinatakas ni elias si ibarra? , gayong sa ginawa niyang iyon ay pareho silang napahamak.?
                   Sa aking pagmamasid, mas naipaliwanag ng mabuti ang panig ni Elias kaysa kay ibarra. Dahil ginawa lang naman ni elias iyon dahil naniniwala sya ni si ibarra ang gagawa ng paraan para maging malaya ang bansa.
                     Sa kabuuan, parehong mahusay ang dalawang pangkat. Pinakita nila ang lahat ng kanilang makakaya.
                      Noong biyernes naman ay nagkaroon kami ng pagsusulit tungkol sa mga kabanatang may kaugnayan kay Crisostomo Ibarra.
                      Ako'y natutuwa sapagkat sa susunod na aralun, ang tatalakayin namin ay ang buong buhay ni Elias. Pagkatapos ay binigyan kami ng aming guro ng takdang aralin. Kinakailangan naming ibuod ang mga kabanatang may kaugnayan kay Elias.