Noong
ika-4 ng oktubre (martes ), tinalakay samin ni Ginang Mixto ang mga Elemento at Hakbang sa paggawa ng Movie Trailer. Nagpakita rin sya ng
mga halimbawa nito. Pagkatapos, pinayuhan kami ni Gng Mixto na kailangan ang
gagawin naming movie trailer ay sumasalamin sa kultura ng Kanlurang Asya at
dapat may mapupulot na aral.
Noong
ika-5 ng oktubre (miyerkules), nagkaroon
kami ng isang Gawain ang pamagat ay Hulaan.
Sinagutan namin ang bawat tanong na tungkol sa bansang
India. Sa gawaing iyon natutunan ko na na tawag pala sa pagbati ng mga
Hindu ay Namaste. Natutunan ko rin na ayon
sa pilosopiya ng India, ang ang mga may anking Kagandahan , Katalinuhan at
Kumikilos na angkop sa lipunan ay pinagpapala ng Diyos.
Noong
ika -6 ng oktubre (huwebes), binasa namin ang Epikong
Rama at Sita. Para sakin ang akdang ito ay puno ng kabayanihan, kababalaghan at pagmamahalan.
Kabayanihan, sapagkat mayrong mga pangyayari sa epiko na nililigtas nina Rama
at Lakshamanan si sita laban kina Ravana
at Surpanaka, na mga demonyo at higante. Kababalaghan, kasi si Ravana at
Surpanaka ay mga demonyo at higante, at si Maritsa ay may galling na magbago ng
anyo at hugis. Pagmamahalan, naman dahil kahit na may inalok na magagandang
bagay kina Rama at Sita kapalit ng kanilang pag-ibig ay hindi sila pumayag.
Nagpapatunay ito na mahal na mahal nila ang isat isa.
Noong ika-7 naman ng oktubre
(biyernes), hindi nakapasok sa amin si
Ginang Mixto. Ngunit inatasan naman nya si Binibining Basbas na magturo muna
samin.Ang unang pinagawa samin ni bb. Basbas ay ang pagbuod
ng epikong Rama at Sita. Pagkatapos binigyan nya kami ng maikling pagsusulit
tungkol sa epiko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento