Ang Kababaihan ng Taiwan,
ngayon at noong nakaraang 50 taon
isinalin ni seila c. Molina
Ang
bilang ng populasyon ng kababaihan sa mundo ay 51% o 2% na
mataas kaysa kalalakihan. Maaaring isipin ng ilan na ang kababaihan ay
nakakukuha ng parehong pagkakataon at karapatan gaya ng kalalakihan.
Ilang kababaihan lamang sa buong mundo ang nakakakuha ng pantay na
karapatan at paggalang tulad sa kalalakihan. Ang tungkulin at kalagayan
ng kababaihan ay unti- unting nagbabago sa nakalipas na 50 taon.
Ito ay makikita sa dalawang kalagayan : una ang pagpapalit ng gampanin ng
kababaihan at ang ikalawa ay ang pag-unlad ng kanilang karapatan
at kalagayan. Nakikita ito sa Taiwan. Ang unang
kalagayan noong nakalipas na 50 taon, ang babae sa Taiwan ay katulad sa
kasambahay o housekeeper. Ang tanging tungkulin nila ay tapusin ang hindi
mahahalagang gawaing-bahay na hindi natapos ng kanilang asawa. Ang mga
babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa kanilang mababang kalagayan sa
tahanan.
Ngayon, nabago na ang tungkulin ng mga babae
at ito ay
lalong naging komplikado. Sa bahay ng mga Taiwanese,
sila pa rin ang may pananagutan sa mga gawaing-bahay. Ngunit sa larangan
ng trabaho, inaasahang magagawa nila kung ano ang nagagawa ng kalalakihan.
Sa madaling salita, dalawang mabibigat
na tungkulin ang nakaatang sa kanilang balikat. Ang
ikalawang kalagayan ay pinatutunayan ng pagtaas ng kanilang sahod, pagkakataong
makapag-aral, at mga batas na nangangalaga sa kanila. Karamihan sa mga
kompanya ay nagbibigay ng halaga sa kakayahan ng babae at ang mga
kinauukulan ay handang kumuha ng mga babaeng may kakayahan at masuwelduhan ng
mataas. Tumataas ang pagkakataon na umangat ang babae sa isang kumpanya
at nakikita na ring may mga babaing namamahala. Isa pa, tumaas ang
pagkakataon para sa mga babae pagdating sa edukasyon. Ayon sa isang
estadistika mula sa gobyerno, higit na mataas ang bilang ng mga babaing
nag-aaral sa kolehiyo kung ihahambing sa kalalakihan makalipas ang 50 taon.
At ang huling kalagayan ay ang pagbabago ng mga batas para sa
pangangalaga sa kababaihan ay nakikita na rin. Halimbawa, sa Accton Inc.,
isa sa nangungunang networking hardware manufacturer sa Taiwan, ginawa
nang isang taon ang maternity leave sa halip na 3 buwan lamang. Ang gobyerno
ng Taiwan ay gumagawa na ng batas sa pagkakaroon ng pantay na karapatan upang
higit nilang mapangalagaan ang kababaihan. Bilang pagwawakas, naiiba na
ang gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kung ihahambing noon.
Ang kanilang karapatan at kahalagahan ay binibigyan na ng pansin.
Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga babae ay tumatanggap na ng
pantay na posisyon at pangangalaga sa lipunan. Mayroon pa ring mga
kompanya na hindi makatarungan ang pagtrato sa mga babaing lider nito.
Marami pa ring kalalakihan ang nagbibigay ng
mabigat na tungkulin sa kanilang asawa sa tahanan. Ito ay matuwid pa rin
sa kanila. Marami pa ring dapat magbago sa kalagayan ng kababaihan
sa Taiwan at malaki ang aking pag-asa na makita ang ganap at pantay na
karapatan nila sa lipunan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento