Linggo, Nobyembre 30, 2014

IKATLONG LINGGO

                Ngayong Linggo, pinagaralan namin ang TALINHAGA TUNGKOL SA MAY-ARI NG UBASAN

 
MATEO 20:1-6
                1 Para sa kaharian ng langit ay tulad sa isang taong may ari ng bahay, na lumabas ng maaga sa umaga upang umupa ng mga manggagawa sa kaniyang ubasan.  (2) At nang siya ay sumang-ayon sa mga manggagawa sa isang denario sa isang araw, sinugo niya sila sa kaniyang ubasan.(3) at lumabas siya tungkol sa mga ikatlong oras, at nakita ang iba na nakatayo walang ginagawa sa merkado, (4) At sinabi sa kanila; Pumunta rin kayo sa ubasan, at kahit ano pa ang tama bibigyan ko kayo. At sila ang kanilang lakad(5) Muli lumabas siya tungkol sa mga ikaanim at ikasiyam na oras, at ginawa din.  (6) At tungkol sa ikalabing isang oras lumabas siya, at natagpuan ang iba na nakatayo sa idle, at sinabi sa kanila, Bakit kayo’y dito ang lahat ng mga araw na walang ginagawa?  Sinabi niya sa kanila, Pumunta rin kayo sa mga ubasan; at kahit ano pa man ang tama, na dapat ninyong tanggapin.. (8) Kaya kapag kahit na dumating, ang panginoon ng mga sinabi sa kaniyang ubasan katiwala, Tawagin ang mga manggagawa, at bigyan sila ng kanilang upa, simula mula sa huling hanggang sa unang. (9) At kapag sila ay dumating na na tinanggap tungkol sa ikalabing isang oras, tinanggap nila ang bawa’t tao ng isang denario.(10) Ngunit kapag ang unang dumating, sila ay dapat na sila ay dapat na natanggap pa; at sila naman ay natanggap ang bawa’t tao ng isang denario. (11) At nang kanilang natanggap ito, sila ay nagreklamo laban sa Goodman ng bahay, (12) Na sinasabi, Ito ang huling ginawa kundi isang oras, at ikaw ang gumawa ng mga ito pantay sa amin, na kung saan pinasan ang bigat at init ng araw. (13) Datapuwa’t sumagot ang isa sa kanila, at sinabi, Friend, gawin ko sa iyo na walang maling: wala ka sang-ayon sa akin para sa isang matipid sa pera? (14) Sumakay ng iyong mga iyon ay, at pumunta ka: ibibigay ko hanggang sa huling, na gaya rin sa iyo. (15) Ito ba ay hindi matuwid para sa akin upang gawin kung ano ako ay may aking sariling?  Ay ang imong mata dautan, dahil ako ay mabuti?(16) Kaya ang huling magiging una, at ang unang huling: para sa marami ay tinatawag na, ngunit ang ilang mga pinili.

Sabado, Nobyembre 15, 2014

PAGHAHAMBING



       

          Ngayong buong Linggo, pinag-aralan namin ang tungkol sa Paghahambing o Komparatibo.            Natutunan ko na ginagamit ito sa paghahambing ng dalawang magkaibang antas o katangian ng tao, bagay, ideya, pangyayari at iba pa.      Ang paghahambing ay may dalawang uri. Ito ang Paghahambing ng Magkatulad at Paghahambing ng di magkatulad.
         Ang paghahambing ng di magkatulad ay ginagamit  ito kung pinaghahambing  ay may patas na katangian.    Ginagamitan ito ng mga panlaping kasing,  sing, magsing, magkasing o 
kaya ay ng mga salitang
gaya, tulad, paris, kapwa at pareho.
        Paghahambing na di-magkatulad - ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay may magkaibang katangian. May dalawang uri ito.
        a. Pasahol
- kung ang hinahambing ay mas maliit, gumagamit ito ng mga salitang tulad ng lalo, di-gaano, di-totoo, di-lubha o di-gasino.
     b. Palamang.            
- kung ang hinahambing ay mas malaki o nakahihigit sa pinaghahambingan,gumagamit ito ng mga salitang
higit, labis at di-hamak.
  C. Modernisasyon/katamtaman: Naipakikita ito sa pag-uulit ng pang-uring may panlaping ma-, sa paggamit ng salitang medyo na sinusundan ng pang-uri ,sa paggamit ng katagang may na sinusundan ng pang-uring nabuo sa pamamagitan ng mga panlaping kabilaang ka-han.

Sabado, Nobyembre 8, 2014

Ang aking mga Natutunan!

                  Noong ika-4 ng oktubre (martes ), tinalakay samin ni Ginang Mixto ang mga Elemento at Hakbang sa paggawa ng   Movie Trailer. Nagpakita rin sya ng mga halimbawa nito. Pagkatapos, pinayuhan kami ni Gng Mixto na kailangan ang gagawin naming movie trailer ay sumasalamin sa kultura ng Kanlurang Asya at dapat may mapupulot na  aral.     
                   Noong ika-5 ng oktubre (miyerkules),  nagkaroon kami ng isang Gawain ang pamagat ay Hulaan. Sinagutan namin ang bawat tanong na tungkol sa bansang India. Sa gawaing iyon natutunan ko na na tawag pala sa pagbati ng mga Hindu ay Namaste. Natutunan ko rin na ayon sa pilosopiya ng India, ang  ang mga may anking Kagandahan , Katalinuhan at Kumikilos na angkop sa lipunan ay pinagpapala ng Diyos.  
                   Noong ika -6 ng oktubre (huwebes), binasa namin ang Epikong Rama at Sita. Para sakin ang akdang ito ay puno ng kabayanihan, kababalaghan at pagmamahalan. Kabayanihan, sapagkat mayrong mga pangyayari sa epiko na nililigtas nina Rama at Lakshamanan si sita   laban kina Ravana at Surpanaka, na mga demonyo at higante. Kababalaghan, kasi si Ravana at Surpanaka ay mga demonyo at higante, at si Maritsa ay may galling na magbago ng anyo at hugis. Pagmamahalan, naman dahil kahit na may inalok na magagandang bagay kina Rama at Sita kapalit ng kanilang pag-ibig ay hindi sila pumayag. Nagpapatunay ito na mahal na mahal nila ang isat isa.

                   Noong ika-7  naman ng oktubre (biyernes),  hindi nakapasok sa amin si Ginang Mixto. Ngunit inatasan naman nya si Binibining Basbas na magturo muna samin.Ang unang pinagawa samin ni bb. Basbas ay ang pagbuod ng epikong Rama at Sita. Pagkatapos binigyan nya kami ng maikling pagsusulit tungkol sa epiko.                                                                                                                                                                            

Linggo, Oktubre 26, 2014

cohesive devices!!


  •            ANG AKING KATABI                                                                     Dito sa aking sanaysay malalaman ninyo kung sino ang katabi ko tuwing asignaturang Filipino.                  Ang  aking katabi ay si Mark Rommel  Beltran. Siya ay nakaupo sa aking kanan. Mailalarawan ko sya bilang makadiyos, makulit, masayahin at aktibo.   Minsan naiinis ako sa kanya dahil ang likot at ang ingay niya. Minsan rin naman natutuwa ako sa kanya kasi aktibo at masayahin niya kaya nahahawa ako sa kanya, nagiging masayahin na rin ako.                                                       

Miyerkules, Oktubre 22, 2014

Aralin 2.2



Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula sa Korea

       Ang mga hayop ay hindi lamang mga nilikhang gumagala sa kapatagan at kabundukan. Ang mga ito ay may simbolong ugnayan sa bansa at sa mga mamamayan nito. Sa Korea, mahalaga ang ginampanan ng mga hayop sa kanilang mitolohiya at kuwentong bayan.
      Ayon sa kanilang paniniwala, noong unang panahon daw ay may isang tigre at oso na nagnais maging tao. Nang bumaba sa lupa ang kanilang diyos na si Hwanin ( diyos ng kalangitan) ay humiling ang isang tigre at isang oso na maging tao. Ang sabi ni Hwanin ay magkulong sa kuweba ang dalawa sa loob ng 100 araw. Dahil sa marubdob na pagnanasang maging tao ay sumunod sa ipinag-uutos ang dalawa. Pagkalipas lamang ng ilang araw ay agad ding lumabas ang tigre subalit nanatili sa loob ng kuweba ang oso. Pagkalipas ng 100 araw ay may isang napakagandang babae ang lumabas ng kuweba. Ang babae ay natuwa sa kaniyang itsura at kinausap muli si Hwanin . Nagpasalamat siya sa
      diyos at muling humiling na sana ay magkaroon siya ng anak. Pinababa sa lupa ng diyos ang kaniyang anak na si Hwanung ( anak ng diyos ng kalangitan) at ipinakasal sa babae. Sila’y nagkaanak at pinangalanang Dangun. Si Dangun ay naging hari. Pinaniniwalaang dito nagsimula ang pagkakaroon ng simbolong hayop ang iba’t ibang dynasty sa Korea.
Ano ang pabula?
      Ang pabula ay isa sa mga sinaunang panitikan sa daigdig. Noong ikalima at ikaanim na siglo bago si Kristo, may itinuring nang pabula ang mga taga-India. Ang karaniwang paksa ng mga pabula ay tungkol sa buhay ng itinuturing na dakilang tao ng mga sinaunang Hindu, si Kasyapa.
      Lalong napatanyag ang mga ganitong kuwento sa Gresya. Si Aesop ang tinaguriang “Ama ng mga Sinaunang Pabula” dahil sa napabantog niyang aklat, ang Aesop’s Fable.
      Ang pabula ay isang maikling kuwentong kathang-isip lamang. Karaniwang isinasalaysay sa mga kabataan para aliwin gayundin ang magbigay ng pangaral. Ang mga tauhan ng kuwento ay pawang mga hayop. Mga hayop na kumakatawan o sumasagisag sa mga katangian o pag-uugali ng tao. Ang ahas halimbawa ay karaniwan nang nangangahulugan ng isang taong taksil. Ang pagong, makupad. Ang kalabaw, matiyaga. Ang palaka, mayabang. Ang unggoy o matsing, isang tuso.
      Ang aso, matapat. Marami pang hayop ang may ibang pagpapakahulugan. Sa mga bagay naman, ang rosas ay kumakatawan sa babae at sa pag-ibig. Ang bubuyog sa isang mapaglarong manliligaw.
      Itinuturo ng pabula ang tama, patas, makatarungan at makataong ugali at pakikitungo sa ating kapwa. Ang mga pabula ay lumaganap dahil sa magagandang aral sa buhay na ibinibigay nito.


Aralin 2.1



KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG TANKA AT HAIKU
Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson
     
      Sa ilang anyo ng tula, ang Tanka at Haiku ang pinahahalagahan ng panitikang Hapon. Lumaganap ang Tanka noong ikawalong siglo at ang Haiku noong ika-15 siglo. Layunin ng mga tulang ito na pagsama-samahin ang mga ideya at imahe sa pamamagitan ng kakaunting salita lamang.

     Ang pinakaunang Tanka ay nasa kalipunan ng mga tula na tinawag na Manyoshu o Collection of Ten Thousand Leaves, isang antolohiya na naglalaman ng iba’t ibang anyo ng tula na karaniwang binibigkas at inaawit ng nakararami.

     Sa panahong lumabas ang Manyoshu, kumawala sa makapangyarihang impluwensiya ng sinaunang panitikang Tsino ang mga manunulat ng Hapon. Ang mga unang makatang Hapon ay sumusulat sa wikang Tsino sapagkat eksklusibo lamang ang wikang Hapon sa pagsasalita at wala pang sistema ng pagsulat. Sa pagitan ng ikalima hanggang ikawalo siglo, isang sistema ng pagsulat ng Hapon ang nilinang na mula sa karakter ng pagsulat sa Tsina upang ilarawan ang tunog ng karakter ng Hapon. Tinawag na Kana ang ponemikong karakter na ito na ang ibig sabihin ay “hiram na mga pangalan”.

     Noong panahong nakumpleto na ang Manyoshu, nagsimulang pahalagahan ng mga makatang Hapon ang wika nila sa pamamagitan ng madamdaming pagpapahayag. Kung historikal ang pagbabatayan, ipinahahayag ng mga Hapon na ang Manyoshu ang simula ng panitikan nilang nakasulat na matatawag nilang sariling-sarili nila.

     Maiikling awitin ang ibig sabihin ng Tanka na puno ng damdamin. Bawat Tanka ay nagpapahayag ng emosyon o kaisipan. Karaniwang paksa naman ang pagbabago, pag-iisa, o pag-ibig. Tatlumpu’t isa ang tiyak na bilang ng pantig na may limang taludtod ang tradisyunal na Tanka. Tatlo sa mga taludtod ay may tigpitong bilang ng pantig samantalang tiglimang pantig naman ang dalawang taludtod. Nagiging daan ang Tanka upang magpahayag ng damdamin sa isa’t isa ang nagmamahalan (lalaki at babae). Ginagamit din sa paglalaro ng aristocrats ang Tanka, kung saan lilikha ng tatlong taludtod at dudugtungan naman ng ibang tao ng dalawang taludtod upang mabuo ang isang Tanka. Gaya nga nang naipahayag na sa unang bahagi ng tekstong ito, noong ika-15 siglo, isinilang ang bagong anyo ng pagbuo ng tula ng mga Hapon. Ang bagong anyo ng tula ay tinawag na Haiku.

     Noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas lumaganap nang lubos ang Haiku. Binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludturan. Ang pinakamahalaga sa Haiku ay ang pagbigkas ng taludtod na may wastong antala o paghinto. Kiru ang tawag dito o sa Ingles ay cutting. Ang kiru ay kahawig ng sesura sa ating panulaan. Ang Kireji naman ang salitang paghihintuan o “cutting word”. Ito ay kadalasang matatagpuan sa dulo ng isa sa huling tatlong parirala ng bawat berso. Ang kinalalagyan ng salitang pinaghintuan ay maaaring makapagpahiwatig ng saglit na paghinto sa daloy ng kaisipan upang makapagbigay-daan na mapag-isipan ang kaugnayan ng naunang berso sa sinundang berso.

     Maaari rin namang makapagbigay - daan ito sa marangal na pagwawakas. Ang mga salita na ginagamit ay maaaring sagisag ng isang kaisipan. Halimbawa ang salitang kawazu ay “palaka” na nagpapahiwatig ng tagsibol. Ang higure naman ay “unang ulan sa pagsisimula ng taglamig”. Mahalagang maunawaan ng babasa ng Haiku at Tanka ang kultura at paniniwala ng mga Hapon upang lubos na mahalaw ang mensaheng nakapaloob sa tula.

Tanka at Haiku

Magkaibang uri ng panulaan ang Tanka at Haiku, bagama't nagsimula ang mga ito sa bansang Hapon. Mayroon itong kaniya-kaniyang katangian ng pagiging magkaiba.

Ang Tanka, isang uri ng tula na maaaring awitin ay  may kabuuang tatlumpu't isang pantig na may limang taludtod. Ang hati ng pantig sa mga taludtod ay 7-7-7-5-5, 5-7-7-7-5 o maaaring magpalit-palit nang nananatili ang kabuuang bilang ng pantig na tatlumpu't isa.

Ang Haiku naman ay higit na maikli sa Tanka. Binubuo ito ng tatlong taludtod na may bilang ng pantig na 5-7-5 o maaaring magkapalit-palit nang di nababago ang kabuuang bilang ng mga pantig na labimpito.

Tungkol sa kalikasan at pag-ibig ang paksa ng Haiku at pagbabago, pag-iisa at pag-ibig naman ang karaniwang paksa ng Tanka.


Tayo naman sa Pilipinas ay may Tanaga, isang uri ng sinaunang tula na nagpapahayag ng kaisipan at binubuo ng apat na taludtod na may tigpipitong pantig sa bawat taludtod, may tugma at puno ng talinghaga. Namalasak ito  noong panahon ng pananakop ng mga Hapones.