Linggo, Marso 15, 2015
Huwebes, Marso 12, 2015
IKA-WALONG LINGGO NG IKA-APAT NA MARKAHAN
Ngayong Linggo, tinalakay namin sa
asignaturang Filipno ang mga kabanatang may kaugnayan kina Crisostomo Ibarra,
Elias, Maria Clara, at Sisa.
MGA KABANATANG MAY
KAUGNAYAN KAY:
★CRISOSTOMO IBARRA★
→Isang
Pagtitipon- Nagkaroon ng pagtitipon sa tahanan ni kapitan tiyago bilang
pagsalubong kay Ibarra.
→Si
Crisostomo Ibarra- Ipinakilala si Crisostomo Ibqrra sa mga panauhin.
→Ang
Hapunan- Pang-iinsulto ni Padre Damaso kay ibarra at sa kanyang bayan.
→Erehe at
pilibustero- nalaman ni ibarra ang sinapit ng kanyang ama.
→Isang
tala sa madilim- Binalikan nya ang mga nangyari sa kanyang ama.
→Suyuan sa
asotea- Pag-uusap nina Maria clara at Ibarra.
→Mga
bagay-bagay - Nagalit si Padre damas kay kapitan tiyago sa pumayag syang di na
bumalik si maria clara sa kumbento.
→Ang bayan
ng san diego- Tungkol sa mga ninuno.
→Ang mga
makapangyarihan- Mga makakalaban ni ibarra.
→Araw ng
mga patay- Ang sinapit ng kanyang ama..
→Mga
karanasan ng isang Guro- Sinabi ng pguro kung saan itinapon ang bangkay ng
kanyang ama.
→Usapan sa
tribunal- Pag-uusap ng konseho tungkol kay ibarra.
★ELIAS★
→Mga
liwanag at dilim- Kinausap ni d
on pablo si ibarra para humingi ng tulong gaya
ng sabi ni elias.
→Ang
pangingisda- Pagliligtas ni ibarra kay elias sa mga buwaya.
→Si Elias
at Salome- Pagpili ni Elias sa bayan kaysa sa pag-ibig nya kay salome.
→Ang mga
pinag-uusig- Nakilala ni Elias si Kapitan Pablo.
→Ang tinig
ng mga pinag-uusig- Ang pagkakaroon ng ibang paraan g pagkamit ng kalayaa ni
ibarra at elias.
→Baraha ng
mga patay- Paguusap tungkol sa pagbubunyi kay ibarra.
→Ang
pagkakagulo- Pagtulong ni elias kay ibarra upang makatakas ito.
→Lahat ng
lihim ay nabubunyag- Nalaman ni elias na ninuno pala ni ibarra ang matagal na
nyang hinahanap. Ang nagpakasakit sa kanyang ninuno.
→Ang
habulan sa lawa- Pag-aalay ng buhay ni elias para kay ibarra.
→Notse
Bueno- Pagkamatay ni elias.
★MARIA CLARA★
→Si
Kapitan tiyago- tungkol sa pag pagsisilang kay maria clara.
→Suyuan sa
Asotea.
→Liwanag
at dilim
→Sa gubat-
Piknik nila maria clara at ibarra kasama ang mga kaibigan.
→Dapithapon-
Paghahandang naganap sa bahay ni kapitan tiyago.
→Sulatan-
Isang liham ang ipinaabot ni maria clara kay andeng para kay ibarra.
→Mga
suliranin- Pagbabawal ni kapitan tiyago kay maria clara na makipag usap kay
ibarra.
→Ang
kapitan Heneral
→Ang
prusisyon- Pag -awit ni maria clara ng ave maria sa prusisyon.
→Ang
mag-asawang De Espadanya
→Ang
pangungumpisal-
→Ang
talinhaga
→Ang
pagpapakasal ni Maria clara
★SISA★
→Ang mga
sakristan- ang mga paghihirqp ng mga anak ni sisa na sina basilio at crispin sa
kumbento.
→Si Sisa-
tungkol sa buhay ni sisa.
→Si
Basilio- tungkol sa buhay ni basilio
→Mga
kaluluwang naghihirap- Pag punta ni sisa sa kumbento upang hanapin ang kanyang
mga anak.
→Kasaysayan
ng isang ina- Paghihirap ni sisa sa paghahanap sa kanyang dalawang anak. simula
ng pagkawala sa kanyang isip.
→ Si Donya
Consolacion- Pagbuhos ng galit ni donya consolacion kay sisa dahil sa kanyang
asawa na hindi sya pinansin.
→ Ang
noche buena- Pagpatay ni sisa sa kanyang sarili sa pagaakalang patay na si
basilio.
IKA-ANIM NA LINGGO SA IKA-APAT NA MARKAHAN
Ngayong
ika- anim na linggo ay nagsagawa ang dalawang pangkat ng Mock Trial. kung saan
lilitisin sina Elias at Ibarra. Sa unang pangkat, ang aming ipagtatanggol ay si
ibarra sa katauhan ni Janjuai Agoncillo at kaniyang abogado ay si Bryan
Bueno. Sa pangalawang pangkat naman, ang
kanilang panig ay na kay Elias. Ang gaganap na Elias ay si Mark Marasigan. Ang
magtatanggol ay si Mae Clarise Ostia.
Ang tanong na dapat na sagutin ng dalawang panig ay kung tama bang
pinatakas ni elias si ibarra? , gayong sa ginawa niyang iyon ay pareho silang
napahamak.?
Sa aking pagmamasid, mas naipaliwanag ng mabuti ang panig ni Elias kaysa
kay ibarra. Dahil ginawa lang naman ni elias iyon dahil naniniwala sya ni si
ibarra ang gagawa ng paraan para maging malaya ang bansa.
Sa kabuuan, parehong mahusay ang dalawang pangkat. Pinakita nila ang
lahat ng kanilang makakaya.
Noong biyernes naman ay nagkaroon kami ng pagsusulit tungkol sa mga
kabanatang may kaugnayan kay Crisostomo Ibarra.
Ako'y natutuwa sapagkat sa susunod na aralun, ang tatalakayin namin ay
ang buong buhay ni Elias. Pagkatapos ay binigyan kami ng aming guro ng takdang
aralin. Kinakailangan naming ibuod ang mga kabanatang may kaugnayan kay Elias.
IKA-LIMANG LINGGO SA IKA-APAT NA MARKAHAN
Ngayong linggo, tinalakay namin ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ni Crisostomo Ibarra. Kaya naatasan ang bawat pangkat na iulat ang mga kabanatang may kaugnayan kay ibarra. Sa Pangkat Isa ang kanilang iuulat ay ang mga Banta sa buhay ni Ibarra. Sa Pangkat Dalawa ang iuulat nila ay kung ano ba si ibarra bilang anak sa kanyang ama. Sa Pangkat Taatlo ang iuuat nila ay tungkol sa buhay Pag-ibig ni ibarra. At sa huling Pangkat ang iuulat naman nila ay ang mga pangyayari mula nang dumating si ibarra mula sa Europa.
IKA-APAT NA LINGGO NG IKA-APAT NA MARKAHAN
Ngayong ika-apat na linggo ay nagsagawa ang bawat pangkat ng Parade of
Characters upang mas makilala pa namin ang mga tauhan, ang kanilang katangian sa Noli me tangere. Lugod na natuwa ang aming guro nang matapoa namin ang
pagtatanghal. karapat dapat naman naming matanggap ang papuring iyon galing sa aming guro sapagkat ginawa namin ang lahat ng aming makakaya, maging maganda lamang ang aming presentasyon.
Pagkatapos ay pahapyaw naming pinag-usapan ang pagkakabuo ng mga tauhan.
Nalaman ko na makatotohanan talaga ang ang mga tauhang nilikha ni Jose Rizal
sapagkat binase nya ito sa mga taong nakapaligid sa kanya. Ang itsura at
katangian nito.
Pinag-usapan rin namin ang sinisimbolo ng bawat tauhan.
MGA TAUHAN AT KANILANG SINISIMBOLO:
★
Crisostomo Ibarra→
Ideyalismo ng mga kabataang nakapag-aral.
★
Maria Clara→
Ideyal na babae ni Rizal.
★
Sisa→ Larawan ng walang
katarungan sa bansa at kung paano ito inaabuso ng mga Espanyol.
★
Donya Pia Alba→
Sumisimbolo sa pilipinas. sa walang tigil na magpapasakop sa ibang bansa.
★
Kapitan Tiyago→
Istruktura ng lipunan na binubuo ng mga kastila sa Pilipinas.
★
Donya Victorina at Donya Consolacion→ Larawan ng mga indiyong may kaisipang
kolonya.
IKA-TATLONG LINGGO NG IKA- APAT NA MARKAHAN
Ngayong Linggo ay kinilala namin ang mga tauhan at mga katangian nila sa Noli me tangere. MGA
TAUHAN SA NOLI ME TANGERE
Crisostomo Ibarra - binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagtayo ng paaralan upang matiyak ang
magandang kinabukasan ng mga kabataan sa San Diego
Elias - piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito.
Kapitan Tiago - mangangalakal na taga Binondo; ama-amahan ni Maria Clara
Padre Damaso - isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod na matagal na panahon sa San Diego.
Maria Clara - mayuming kasintahan ni Crisostomo Ibarra; mutya ng San Diego
Pilosopo Tasyo -maalanm na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.
Sisa - isang masintahing ina na ang na ang tanging
kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya
at malupit
Basilo at Crispin - magkapatid nanak ni Sisa; sakristan at taga tugtog ng kamapana sa Simbahan ng San Diego
Alperes - matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa bayan ng San Diego
Donya Consolacion - napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang pananalita at pag-uugali
Donya Victorina - babaing nagpapanggap na mestisang kaslita kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila
Don Tiburcio de -isang pilay at bungal na kastilang napadpad sa Espadaña Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasaw ni Donya Victorina
Linares - malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng
inaanak ni Padre Damaso na napili niya para
mapangasawa ni Maria Clara
Don Filipo - tinyente mayor na mahilig magbasa ng Latin; ama ni Sinang
Ñol Juan - namamahala sa mga gawain sa pagpapatayo ng mga paaralan
Lucas -
taong madilaw na gumagawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay
Ibarra
Crisostomo Ibarra - binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagtayo ng paaralan upang matiyak ang
magandang kinabukasan ng mga kabataan sa San Diego
Elias - piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito.
Kapitan Tiago - mangangalakal na taga Binondo; ama-amahan ni Maria Clara
Padre Damaso - isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod na matagal na panahon sa San Diego.
Maria Clara - mayuming kasintahan ni Crisostomo Ibarra; mutya ng San Diego
Pilosopo Tasyo -maalanm na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.
Sisa - isang masintahing ina na ang na ang tanging
kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya
at malupit
Basilo at Crispin - magkapatid nanak ni Sisa; sakristan at taga tugtog ng kamapana sa Simbahan ng San Diego
Alperes - matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa bayan ng San Diego
Donya Consolacion - napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang pananalita at pag-uugali
Donya Victorina - babaing nagpapanggap na mestisang kaslita kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila
Don Tiburcio de -isang pilay at bungal na kastilang napadpad sa Espadaña Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasaw ni Donya Victorina
Linares - malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng
inaanak ni Padre Damaso na napili niya para
mapangasawa ni Maria Clara
Don Filipo - tinyente mayor na mahilig magbasa ng Latin; ama ni Sinang
Ñol Juan - namamahala sa mga gawain sa pagpapatayo ng mga paaralan
IKA-LAWANG LINGGO NG IKA- APAT NA MARKAHAN
Ngayong Ika-dalawang
Linggo, aming tinalakay sa asignaturang
Filipino ay tungkol sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli me Tangere.
Sa Pakaligirangngkasaysayan
ng Noli me tangere ay malalaman natin ang kaugnayan ng mga kaganapan sa Espanya
at pagkakasulat ng nobelang ito.
KALIGIRANG
PANGKASAYSAYAN NG NOLI ME TANGERE:
A) Pagkabagsak ng
Espanya bilang Kolonisador :
1.Paglubog ng Galleon Trade..
★ Dahil sa
pagkalugi ng galleon trade ng espanya ay
gumawa sila ng paraan para mabawi ito at ito ay sa pamamagitan ng Pagbabayad ng
malaking buwis.
2.Di matatag na
Pamahalaan..
★
Nagkagulo- gulo ang lahat dahil sa pagpapalit- palit ng mamumuno at syempre
pati pilosopiya.
3. Paglaya ng iba pang
bansa..
★ Dahil
dito mas lalong nabatid ni Rizal na posible ring maging malaya ang iba pang
kolonya dahil nagawa rin ito ng ibang bansa.
Tinalakay rin namin ang mga akdang
ginawa ni Rizal, tulad ng Sa aking mga Kababata, Ang mga Gamo- damo, at Ang
Tsinelas.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
