Huwebes, Marso 12, 2015

IKA-APAT NA LINGGO NG IKA-APAT NA MARKAHAN

                 Ngayong  ika-apat na linggo ay nagsagawa  ang  bawat  pangkat  ng  Parade of Characters  upang  mas makilala  pa  namin  ang  mga tauhan,  ang  kanilang  katangian  sa  Noli  me tangere.  Lugod  na  natuwa  ang  aming guro nang matapoa namin ang pagtatanghal.  karapat  dapat  naman naming  matanggap  ang papuring  iyon galing  sa  aming  guro  sapagkat  ginawa  namin  ang  lahat  ng  aming makakaya,  maging  maganda  lamang  ang aming  presentasyon.                                                                               
              Pagkatapos ay pahapyaw naming pinag-usapan ang pagkakabuo ng mga tauhan. Nalaman ko na makatotohanan talaga ang ang mga tauhang nilikha ni Jose Rizal sapagkat binase nya ito sa mga taong nakapaligid sa kanya. Ang itsura at katangian nito.                           
                Pinag-usapan rin namin ang sinisimbolo ng bawat tauhan.
MGA TAUHAN AT KANILANG SINISIMBOLO:                                              
Crisostomo Ibarra Ideyalismo ng mga kabataang nakapag-aral.                    
Maria Clara Ideyal na babae ni Rizal.        
Sisa Larawan ng walang katarungan sa bansa at kung paano ito inaabuso ng mga Espanyol.                                              
Donya Pia Alba Sumisimbolo sa pilipinas. sa walang tigil na magpapasakop sa ibang bansa.                      
Kapitan Tiyago Istruktura ng lipunan na binubuo ng mga kastila sa Pilipinas.          
Donya Victorina at Donya Consolacion Larawan ng mga indiyong may kaisipang kolonya.       

IKA-TATLONG LINGGO NG IKA- APAT NA MARKAHAN

                  Ngayong Linggo ay kinilala  namin ang mga tauhan at mga katangian nila  sa Noli me tangere.                                                                                                                                                                                                                                    MGA TAUHAN SA NOLI ME TANGERE 

Crisostomo Ibarra - binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagtayo ng paaralan upang matiyak ang 
magandang kinabukasan ng mga kabataan sa San Diego 

Elias - piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito. 

Kapitan Tiago - mangangalakal na taga Binondo; ama-amahan ni Maria Clara 

Padre Damaso - isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod na matagal na panahon sa San Diego. 

Maria Clara - mayuming kasintahan ni Crisostomo Ibarra; mutya ng San Diego 

Pilosopo Tasyo -maalanm na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. 

Sisa - isang masintahing ina na ang na ang tanging 
kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya 
at malupit 

Basilo at Crispin - magkapatid nanak ni Sisa; sakristan at taga tugtog ng kamapana sa Simbahan ng San Diego 

Alperes - matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa bayan ng San Diego 

Donya Consolacion - napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang pananalita at pag-uugali 

Donya Victorina - babaing nagpapanggap na mestisang kaslita kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila 

Don Tiburcio de -isang pilay at bungal na kastilang napadpad sa Espadaña Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasaw ni Donya Victorina 

Linares - malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng 
inaanak ni Padre Damaso na napili niya para 
mapangasawa ni Maria Clara 

Don Filipo - tinyente mayor na mahilig magbasa ng Latin; ama ni Sinang 

Ñol Juan - namamahala sa mga gawain sa pagpapatayo ng mga paaralan 
Lucas - taong madilaw na gumagawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra                                                                                                                                                                                

IKA-LAWANG LINGGO NG IKA- APAT NA MARKAHAN

                  Ngayong Ika-dalawang Linggo, aming  tinalakay sa asignaturang Filipino ay tungkol sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli me Tangere.
                  Sa  Pakaligirangngkasaysayan ng Noli me tangere ay malalaman natin ang kaugnayan ng mga kaganapan sa Espanya at pagkakasulat ng nobelang ito.

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG NOLI ME TANGERE:

A) Pagkabagsak ng Espanya bilang Kolonisador :

1.Paglubog ng Galleon Trade..
Dahil sa pagkalugi ng galleon trade ng  espanya ay gumawa sila ng paraan para mabawi ito at ito ay sa pamamagitan ng Pagbabayad ng malaking buwis.

2.Di matatag na Pamahalaan..
Nagkagulo- gulo ang lahat dahil sa pagpapalit- palit ng mamumuno at syempre pati pilosopiya.

3. Paglaya ng iba pang bansa..
Dahil dito mas lalong nabatid ni Rizal na posible ring maging malaya ang iba pang kolonya dahil nagawa rin ito ng ibang bansa.

           Tinalakay rin namin ang mga akdang ginawa ni Rizal, tulad ng Sa aking mga Kababata, Ang mga Gamo- damo, at Ang Tsinelas.

Lunes, Enero 19, 2015

UNANG LINGGO ng IKA- APAT na markahan

          Ngayong Linggo, pahapyaw naming tinalakay ang Noli Me Tangere. Ang Noli Me Tangerw ay sinulat ni Dr. Jose P. Rizal na may ibig sabihin na "Huwag mo akong salingin" o sa ingles "Touch me not". Pagkatapos ay binigay ni Ginang Mixto ang dalawang pokus na tanong, mga tatalakayin at aming magiging produkto ngayong ika-apat na markahan.
            Natitiyak ko na mas mahirap ang aming mga aaralin at gagawin ngayon kaysa noong ika-tatlong markahan. Noon ang aming produkto ay pagbuo ngmovie trailer lamang, ngayon ay dalawa na;  pagbuo ng movie trailer at short film.
             Sana ay magawa namin ito ng maganda at maayos.♥♥♥

Linggo, Nobyembre 30, 2014

IKATLONG LINGGO

                Ngayong Linggo, pinagaralan namin ang TALINHAGA TUNGKOL SA MAY-ARI NG UBASAN

 
MATEO 20:1-6
                1 Para sa kaharian ng langit ay tulad sa isang taong may ari ng bahay, na lumabas ng maaga sa umaga upang umupa ng mga manggagawa sa kaniyang ubasan.  (2) At nang siya ay sumang-ayon sa mga manggagawa sa isang denario sa isang araw, sinugo niya sila sa kaniyang ubasan.(3) at lumabas siya tungkol sa mga ikatlong oras, at nakita ang iba na nakatayo walang ginagawa sa merkado, (4) At sinabi sa kanila; Pumunta rin kayo sa ubasan, at kahit ano pa ang tama bibigyan ko kayo. At sila ang kanilang lakad(5) Muli lumabas siya tungkol sa mga ikaanim at ikasiyam na oras, at ginawa din.  (6) At tungkol sa ikalabing isang oras lumabas siya, at natagpuan ang iba na nakatayo sa idle, at sinabi sa kanila, Bakit kayo’y dito ang lahat ng mga araw na walang ginagawa?  Sinabi niya sa kanila, Pumunta rin kayo sa mga ubasan; at kahit ano pa man ang tama, na dapat ninyong tanggapin.. (8) Kaya kapag kahit na dumating, ang panginoon ng mga sinabi sa kaniyang ubasan katiwala, Tawagin ang mga manggagawa, at bigyan sila ng kanilang upa, simula mula sa huling hanggang sa unang. (9) At kapag sila ay dumating na na tinanggap tungkol sa ikalabing isang oras, tinanggap nila ang bawa’t tao ng isang denario.(10) Ngunit kapag ang unang dumating, sila ay dapat na sila ay dapat na natanggap pa; at sila naman ay natanggap ang bawa’t tao ng isang denario. (11) At nang kanilang natanggap ito, sila ay nagreklamo laban sa Goodman ng bahay, (12) Na sinasabi, Ito ang huling ginawa kundi isang oras, at ikaw ang gumawa ng mga ito pantay sa amin, na kung saan pinasan ang bigat at init ng araw. (13) Datapuwa’t sumagot ang isa sa kanila, at sinabi, Friend, gawin ko sa iyo na walang maling: wala ka sang-ayon sa akin para sa isang matipid sa pera? (14) Sumakay ng iyong mga iyon ay, at pumunta ka: ibibigay ko hanggang sa huling, na gaya rin sa iyo. (15) Ito ba ay hindi matuwid para sa akin upang gawin kung ano ako ay may aking sariling?  Ay ang imong mata dautan, dahil ako ay mabuti?(16) Kaya ang huling magiging una, at ang unang huling: para sa marami ay tinatawag na, ngunit ang ilang mga pinili.

Sabado, Nobyembre 15, 2014

PAGHAHAMBING



       

          Ngayong buong Linggo, pinag-aralan namin ang tungkol sa Paghahambing o Komparatibo.            Natutunan ko na ginagamit ito sa paghahambing ng dalawang magkaibang antas o katangian ng tao, bagay, ideya, pangyayari at iba pa.      Ang paghahambing ay may dalawang uri. Ito ang Paghahambing ng Magkatulad at Paghahambing ng di magkatulad.
         Ang paghahambing ng di magkatulad ay ginagamit  ito kung pinaghahambing  ay may patas na katangian.    Ginagamitan ito ng mga panlaping kasing,  sing, magsing, magkasing o 
kaya ay ng mga salitang
gaya, tulad, paris, kapwa at pareho.
        Paghahambing na di-magkatulad - ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay may magkaibang katangian. May dalawang uri ito.
        a. Pasahol
- kung ang hinahambing ay mas maliit, gumagamit ito ng mga salitang tulad ng lalo, di-gaano, di-totoo, di-lubha o di-gasino.
     b. Palamang.            
- kung ang hinahambing ay mas malaki o nakahihigit sa pinaghahambingan,gumagamit ito ng mga salitang
higit, labis at di-hamak.
  C. Modernisasyon/katamtaman: Naipakikita ito sa pag-uulit ng pang-uring may panlaping ma-, sa paggamit ng salitang medyo na sinusundan ng pang-uri ,sa paggamit ng katagang may na sinusundan ng pang-uring nabuo sa pamamagitan ng mga panlaping kabilaang ka-han.

Sabado, Nobyembre 8, 2014

Ang aking mga Natutunan!

                  Noong ika-4 ng oktubre (martes ), tinalakay samin ni Ginang Mixto ang mga Elemento at Hakbang sa paggawa ng   Movie Trailer. Nagpakita rin sya ng mga halimbawa nito. Pagkatapos, pinayuhan kami ni Gng Mixto na kailangan ang gagawin naming movie trailer ay sumasalamin sa kultura ng Kanlurang Asya at dapat may mapupulot na  aral.     
                   Noong ika-5 ng oktubre (miyerkules),  nagkaroon kami ng isang Gawain ang pamagat ay Hulaan. Sinagutan namin ang bawat tanong na tungkol sa bansang India. Sa gawaing iyon natutunan ko na na tawag pala sa pagbati ng mga Hindu ay Namaste. Natutunan ko rin na ayon sa pilosopiya ng India, ang  ang mga may anking Kagandahan , Katalinuhan at Kumikilos na angkop sa lipunan ay pinagpapala ng Diyos.  
                   Noong ika -6 ng oktubre (huwebes), binasa namin ang Epikong Rama at Sita. Para sakin ang akdang ito ay puno ng kabayanihan, kababalaghan at pagmamahalan. Kabayanihan, sapagkat mayrong mga pangyayari sa epiko na nililigtas nina Rama at Lakshamanan si sita   laban kina Ravana at Surpanaka, na mga demonyo at higante. Kababalaghan, kasi si Ravana at Surpanaka ay mga demonyo at higante, at si Maritsa ay may galling na magbago ng anyo at hugis. Pagmamahalan, naman dahil kahit na may inalok na magagandang bagay kina Rama at Sita kapalit ng kanilang pag-ibig ay hindi sila pumayag. Nagpapatunay ito na mahal na mahal nila ang isat isa.

                   Noong ika-7  naman ng oktubre (biyernes),  hindi nakapasok sa amin si Ginang Mixto. Ngunit inatasan naman nya si Binibining Basbas na magturo muna samin.Ang unang pinagawa samin ni bb. Basbas ay ang pagbuod ng epikong Rama at Sita. Pagkatapos binigyan nya kami ng maikling pagsusulit tungkol sa epiko.